Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 1 Oktubre 2026 1 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 4-2-9

Big time drug pusher, arestado sa Bauan, Batangas

Residente ang suspek ng Barangay 4 sa Sariaya, Quezon.

Nasamsam sa suspek ang 108.67 gramo ng hinihinalang shabu na nasa  Php  738,956.00 ang halaga.BATANGAS PNP PIO
I-share

CAMP MIIGUEL MALVAR, Batangas City – Naaresto ng mga  otoridad ang isang 56 na taong gulang na construction workers sa  buy-bust operation na isinagawa sa Bauan, Batangas na nagresulta sa pagkakakumpiska ng malaking halaga ng ilegal na droga.

Sa report mula kay Batangas Police Provincial Director, PCol. Oliver Ebora,  itinuturing na high value target ang suspek na naaresto sa Garcia Street sa Barangay Aplaya  ng Municipal Drug Enforcement Team ng Bauan Municipal Police Station katulong ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Nasamsam sa suspek ang 108.67 gramo ng hinihinalang shabu na nasa  Php  738,956.00 ang halaga.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Sections 5 and 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kaugnay na Balita