NAUJAN, Oriental Mindoro — May bagong Day Care Center sa Barangay Mulawin na magagamit ng mga batang mag-aaral matapos itong pormal na basbasan at buksan.
Layunin ng bagong Day Care Center na magbigay ng mas ligtas, malinis, maayos at komportableng lugar para sa pag-aaral at mga aktibidad ng mga bata.
Mismong si Mayor Henry Joel C. Teves ang nagsagawa ng pagpapasinaya sa bagong Day Care Center kasama sina Vice Mayor Candido Dan Melgar Jr. Brgy,. Chairman Marilou Mantaring at iba pang mga lokal na opisyal
Nagpasalamat naman si Mantaring sa mga opisyal ng barangay, pamahalaan, guro, magulang at residente na tumulong at nakibahagi sa proyekto.
Pinasalamatan din niya si Mayor Teves sa mga proyektong ipinagkakaloob sa barangay, partikular ang mga programang nakatuon sa mga bata at iba pang residente.
Kasama rin sa programa ang mga miyembro ng MUCOFACO, Senior Citizens, mga guro, magulang at mga mag-aaral ng Day Care Center.
Ayon sa mga opisyal, mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na pasilidad upang magkaroon ang mga bata ng angkop na lugar para sa kanilang pag-aaral at pag-unlad.