Lumaktaw sa nilalaman
Linggo, 22 Nobyembre 2026 22 Nob 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 6-9-7
CALABARZON

6 holdaper ng Alfamart, arestado sa boundary ng Laguna – Batangas

Ayon sa report bandang  9:30  ng gabi nitong Martes nang holdapin ng mga suspek ang Alfamart sa Barangay Pambuan sa Gapan City.

Hinoldap ng 6 ang sangay ng Alfamart sa Gapan City, Nueva EcijaPHILIPPINE NATIONAL POLICE
I-share

CAMP CRAME –  Naaresto ng mga otoridad sa follow up operation sa boundary ng Alaminos, Laguna at Sto. Tomas City, Batangas ang anim lalaki na mga suspek sa panghoholdap sa Gapan City, Nueva Ecija.

Ayon sa report bandang  9:30  ng gabi nitong Martes nang holdapin ng mga suspek ang Alfamart sa Barangay Pambuan sa Gapan City.

Matapos ang panghoholdap, tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Peñaranda-Gapan Road.

Nagkasa ng follow up operation ang mga otoridad hanggang sa masundan ang sinakyan ng mga suspek sakay ng isang puting van at maharang ng mga tauhan ng Alaminos Police na naglatag na ng dragnet operation sa Barangay San Andres, Alaminos, Laguna.

Narekober sa mga suspek ang hindi pa matukoy na halaga ng peta, pitong cellphones, iba-ibang prepaid cards at isang peluka.

May edad na 18 hanggang 24 ang mga suspek na pawang mga residente ng Taguig City,

 

 

Kaugnay na Balita