Lumaktaw sa nilalaman
Lunes, 5 Oktubre 2026 5 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 0-7-0

43 solar street lights,nagliwanag sa Brgy. Gen. Emilio Aguinaldo sa Sablayan

Pinangunahan ni Governor Eduardo B. Gadiano ang inauguration at turn-over ceremony ng proyekto, kasama si Barangay Captain Marites Cadiao, mga opisyal ng barangay at kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Sablayan.

Para sa mga residente, hindi na kailangang umasa sa dilim sa ilang bahagi ng barangay pagsapit ng gabi—dahil ang mga bagong solar street light ang magsisilbing dagdag-liwanag at proteksiyon sa mga lansangan.gov.eduardo gadiano/ handout
I-share

SABLAYAN, Occidental Mindoro — Mas magiging maliwanag at ligtas na sa gabi ang mga lansangan sa Barangay Gen. Emilio Aguinaldo, Sablaya, Occidental Mindoro  matapos pormal na i-turn over ng Pamahalaang Panlalawigan ang 43 solar street lights na nagkakahalaga ng ₱1.1 milyon.

Pinangunahan ni Governor Eduardo B. Gadiano ang inauguration at turn-over ceremony ng proyekto, kasama si Barangay Captain Marites Cadiao, mga opisyal ng barangay at kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Sablayan.

Inilagay ang mga solar street light sa iba’t ibang zone ng barangay upang tugunan ang mga lugar na kulang sa ilaw, partikular pagsapit ng gabi.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, mahalaga ang proyekto hindi lamang para sa mas maayos na pagbiyahe ng mga motorista kundi maging sa kaligtasan at seguridad ng mga residente.

₱1 milyon ang inilaan mula sa MBAO ng Pamahalaang Panlalawigan, habang ₱100,000 naman ang counterpart ng barangay.

Ipinatupad ang proyekto sa ilalim ng Municipal Community Driven Development Program bilang bahagi ng Seal of Good Local Governance for Barangay o SGLGB.

Layunin nitong suportahan ang mga barangay na nagpapatupad ng mga proyektong direktang nakikinabang ang komunidad.

Para sa mga residente, hindi na kailangang umasa sa dilim sa ilang bahagi ng barangay pagsapit ng gabi—dahil ang mga bagong solar street light ang magsisilbing dagdag-liwanag at proteksiyon sa mga lansangan.

Kaugnay na Balita