Lumaktaw sa nilalaman
Miyerkules, 30 Setyembre 2026 30 Set 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 7-1-9

34 na mga wildlife,nasagip sa Palawan

Kabilang sa mga nasagip ang isang Palawan peacock-pheasant, isang pagong mula sa unang transaksiyon, isang Palawan stink badger, walong blue-naped parrot, 20 pagong, dalawang otter at isang adult lizard.

Kabilang sa mga nasagip ang isang Palawan peacock-pheasant, isang pagong mula sa unang transaksiyon, isang Palawan stink badger, walong blue-naped parrot, 20 pagong, dalawang otter at isang adult lizard.PHOTO COURTESY OF PALAWAN COUNCIL FOR SUSTAINABLE DEVELOPMENT
I-share

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan — Tinatayang 34 na mga wildlife , kabilang ang ilang critically endangered at endangered species, ang nasagip sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Puerto Princesa International Airport at Sitio Ibangley, Barangay Abungan, Taytay, Palawan.

Kabilang sa mga nasagip ang isang Palawan peacock-pheasant, isang pagong mula sa unang transaksiyon, isang Palawan stink badger, walong blue-naped parrot, 20 pagong, dalawang otter at isang adult lizard.

Batay sa paunang pagsusuri, apat na indibidwal ang natukoy na umano’y may hawak o nagmamay-ari sa mga nasabing wildlife nang walang kaukulang permit at dokumentasyon.

Hinihinalang may kaugnayan ang insidente sa ilegal na pagbebenta, pagmamay-ari at pagbiyahe ng mga wildlife, na maaaring paglabag sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act, at iba pang kaugnay na regulasyon.

Matapos ang on-site processing, dinala ang mga nasagip na hayop sa nararapat na pasilidad para sa wastong pangangalaga at kaukulang proseso.

Isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) Enforcement Section, kasama ang CMFC, PS1 PPCPO, PSC, Naval Command West at SF-AFP.

Hinikayat naman ng mga awtoridad ang publiko na makiisa sa pangangalaga ng mga wildlife sa pamamagitan ng agarang pag-uulat sa mga kinauukulang ahensya ng anumang kahina-hinalang pagbebenta, pagmamay-ari o pagbiyahe ng mga buhay-ilang.

Pinapayuhan din ang publiko na makipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa wastong rescue at turnover ng mga wildlife na nangangailangan ng proteksyon.

Kaugnay na Balita