Lumaktaw sa nilalaman
Miyerkules, 30 Setyembre 2026 30 Set 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 7-1-9

2 patay, 3 sugatan nang salpukin ng mini-bus ang isang traysikel sa San Pascual, Batangas

Nasawi ang traysikel drayber at isang pasahero habang tatlo pa ang sugatan nang salpukin sila ng isang mini-bus sa San Pascual, Batangas.

Nasawi ang drayber at isang pasahero ng traysikel sa road crash sa Brgy. Palsahingin, San Pascual, Batangas.Photo courtesy of Batangas PNP.
I-share

SAN PASCUAL, Batangas – Dalawa ang nasawi habang tatlo ang sugatan sa isang road crash na kinasasangkutan ng isang modern public utility vehicle (PUV) o mini-bus at isang traysikel sa Barangay Palsahingin, San Pascual, Batangas, nitong Sabado ng tanghali.

Naganap ang aksidente bandang alas-12:20 ng tanghali sa isang provincial road nang huminto ang traysikel para magsakay ng pasahero, ayon sa San Pascual Municipal Police Station.

Ayon sa pulisya, sinalpok ng paparating na modern PUV na pagmamay-ari ng FCM Transport ang likurang bahagi ng traysikel, dahilan upang tumilapon sa kalsada ang mga sakay nito.

Isinugod sa San Pascual de Baylon Hospital at San Antonio Life Care Hospital ang driver ng traysikel at ang tatlo nitong pasahero, kabilang ang isang estudyante.

Gayunman, idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 54-anyos na lalaking pasahero, habang binawian naman ng buhay ang driver ng traysikel madaling araw nitong Linggo.

Makikita sa dashcam footage mula sa ibang sasakyan ang modern PUV na mabilis na bumabagtas sa Provincial Road. Bigla itong kumabig patungo sa kabilang lane bago muling bumalik sa sariling linya at sumalpok sa traysikel na noon ay nakahinto para magsakay ng pasahero.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng modern PUV at inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa kanya.

Kaugnay na Balita