Lumaktaw sa nilalaman
Miyerkules, 7 Oktubre 2026 7 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 2-7-4
BREAKING

₱81.6M halaga ng shabu ang nasabat sa Batangas Port; 4 arestado

Apat na lalaki ang naaresto sa isinagawang joint operation. Ang mga suspek ay edad 18, 29, 30 at 41, at mga residente ng Malate, Manila at Maluso, Basilan.

4 ang arestado na sakay ng pick up sa Batangas Port habang lulan ang Php 81-M halaga ng shabu.PHILIPPINE COAST GUARD
I-share

BATANGAS CITY — Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang 12 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱81.6 milyon sa Batangas Port, Barangay Sta. Clara, Batangas City nitong Miyerkules, Oktubre 7.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, apat na lalaki ang naaresto sa isinagawang joint operation. Ang mga suspek ay edad 18, 29, 30 at 41, at mga residente ng Malate, Manila at Maluso, Basilan.

Bukod sa hinihinalang shabu, narekober din ng mga awtoridad ang isang sasakyan, cellphone, mga identification card at ATM card.

Natapos bandang alas-9 ng umaga ang imbentaryo sa mga nakumpiskang ebidensya.

Pagsapit ng alas-10 ng umaga, isinuko sa PDEA ang apat na suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaso.

Posibleng maharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Section 5 o Transportation of Dangerous Drugs at Section 11 o Possession of Dangerous Drugs, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinabi ng PCG na magpapatuloy ang koordinasyon nito sa PDEA upang palakasin ang kampanya laban sa pagdadala ng ilegal na droga sa mga pantalan at rutang pandagat sa bansa.

Kaugnay na Balita