Lumaktaw sa nilalaman
Biyernes, 9 Oktubre 2026 9 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 8-2-1
BREAKING

Trike drayber sa viral video na nakakaladkad na aso, lumantad na sa San Pascual Police, nagbigay ng panig

Boluntaryong nagtungo nitong Biyernes ng umaga sa San Pascual Municipal Police Station ang drayber ng traysikel at siya rin may-ari ng aso upang magbigay ng kaniyang panig.

Ayon sa drayber, hindi niya namalayan na tumalon ang aso sa traysikel.animal kingdom foundation facebook post
I-share

SAN PASCUAL, Batangas –  Lumantad na ang traysijkel drayber sa viral video ng isang aso na nakatali sa traysikel habang nakakaladkad sa highway ng  Barangay San Antonio sa San Pascual, Batangas.

Boluntaryong nagtungo nitong Biyernes ng umaga sa San Pascual Municipal Police Station ang drayber ng traysikel at siya rin may-ari ng aso upang magbigay ng kaniyang panig.

Ayon sa drayber, hindi niya namalayan na tumalon ang aso sa traysikel.

Nalaman  lamang umano niya ito ng sabihan siya ng isang traysikel drayber ng siya ay napadaan sa terminal.

Tatlong buwan pa lamang umano ang kaniyang alagang aso at isinama niya dahil may susunduin lamang siya sa Bauan.

Nangutang pa umano ang traysikel drayber para maipagamot ang aso.

Nagbigay na ng  sinumpaang salaysay ang may-ari ng aso sa mga otoridad   para ipaliwanag ang nangyari.

Nagkausap na rin ang may ari ng aso at ang Animak Kingdom Foundation.

Ayon sa San Pascual Police nakauwi na rin ang may-ari ng aso at walang kasong isasampa laban sa kaniya.

 

 

 

 

 

Kaugnay na Balita