Lumaktaw sa nilalaman
Miyerkules, 30 Setyembre 2026 30 Set 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 7-1-9

Php 2M mula sa Seal of Good Local Governance incentive fund, inilaan sa mga proyekto sa Sablayan at Abra de Ilog, Occidental Mindoro

Tig-Php 1 M ang tinanggap ng Barangay Ibud sa Sablayan at Brgy. Udalo sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro mula kay Gov. Eduardo Gadiano sa pamamagitan ng incentive fund mula sa Seal of Good Local Governance o SGLG.

Tig-Php 1 M ang tinanggap ng Barangay Ibud sa Sablayan at Brgy. Udalo sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro mula kay Gov. Eduardo Gadiano sa pamamagitan ng incentive fund mula sa Seal of Good Local Governance o SGLG.OCCIDENTAL MINDORO PIO
I-share

OCCIDENTAL MINDORO — Inilaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro ang kabuuang ₱2 milyon mula sa Seal of Good Local Governance (SGLG) Incentive Fund para sa dalawang proyektong direktang mapapakinabangan ng mga residente sa Sablayan at Abra de Ilog.

Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Eduardo B. Gadiano, sa pamamagitan ng Municipal and Barangay Affairs Office (MBAO), tig-₱1 milyon ang ipinagkaloob para sa mga proyekto sa Barangay Ibud, Sablayan at Barangay Udalo, Abra de Ilog.

Sa Zone 4, Barangay Ibud, Sablayan, gagamitin ang ₱1 milyon para sa concreting ng existing irrigation canal, na layong mapabuti ang daloy ng tubig para sa irigasyon at makatulong sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Samantala, ilalaan naman ang ₱1 milyon sa Barangay Udalo, Abra de Ilog para sa installation ng solar street lights na may CCTV sa mga lugar ng Sitio Bugtong, Camurong, Sigman at Cabasingan.

Layunin ng proyekto na mapabuti ang visibility sa mga kalsada, partikular sa gabi, at makatulong sa pagpapalakas ng seguridad sa mga komunidad sa pamamagitan ng solar-powered street lights at CCTV.

Nakiisa rin sa aktibidad si Maristella Guillermo, kinatawan ng DILG Occidental Mindoro, kasama sina Abra de Ilog Sangguniang Bayan Member Maybelle V. Ramos at Sablayan Municipal Planning and Development Coordinator Mayette Sonio.

Ang pondo ay bahagi ng insentibong natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan matapos itong kilalanin bilang National Awardee ng Seal of Good Local Governance (SGLG).

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, gagamitin ang naturang insentibo sa mga proyektong may direktang pakinabang sa mga komunidad at inaasahang magbibigay ng pangmatagalang benepisyo sa mga Mindoreño.

Kaugnay na Balita