CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Arestado ng mga awtoridad sa Quezon, Palawan nitong Lunes, Setyembre 29, ang No. 6 Regional Most Wanted Person ng Police Regional Office MIMAROPA.
Isinagawa ang operasyon bandang 9:09 ng umaga sa Barangay Alfonso XIII, Quezon, Palawan, kung saan naaresto ang wanted person sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Agosto 17, 2026 kaugnay ng kasong Murder.
Walang inirekomendang piyansa para sa nasabing kaso.
Pinangunahan ng Quezon Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ni PCPT Pelerico N. Calingao, Officer-in-Charge, ang operasyon sa koordinasyon ng Provincial Intelligence Unit ng Palawan Police Provincial Office, Police Intelligence Team-Palawan ng Regional Intelligence Unit 4B, 4th Platoon ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company, 401st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 4B, at PNP Maritime Group 2nd Special Operations Unit, Quezon Sub-Base.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Quezon MPS ang suspek para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
Pinuri ni PBGEN Christopher R. Dela Cruz, Regional Director ng PRO MIMAROPA, ang mga operatibang nakibahagi sa matagumpay na operasyon.
Ayon kay Dela Cruz, mahalaga ang tuloy-tuloy na intelligence gathering at mahigpit na koordinasyon ng iba’t ibang police units upang matukoy at maaresto ang mga indibidwal na pinaghahanap ng korte.
Aniya, patuloy pang paiigtingin ng PRO MIMAROPA ang operasyon laban sa mga wanted person sa buong rehiyon.