Lumaktaw sa nilalaman
Biyernes, 9 Oktubre 2026 9 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 8-2-1

Nagbebenta ng baril sa gun-for-hire group sa Quezon at Batangas, arestado

Malaki umano ang magiging epekto ng pagkakaaresto ng suspek sa operasyon ng gun-for-hire group sa Quezon at Batangas

Ang suspek ay natukoy na nagsusuplay ng mga hindi lisensyadong baril sa mga gun-for-hire group na nasa likod ng mga pagpatay sa Quezon at Batangas.REGIONAL INTELLIGENCE DIVISION- CALABARZON PNP
I-share

CAMP VICENTE LIM, Laguna –  Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang lalaki na  nagbebenta umano ng mga baril sa mga gun-for-hire group sa Quezon at Batangas.

Naaresto ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division ng Cabalarzon  PNP sa buy-bust operation sa Sitio Tabing, Barangay Del Rosario, Tiaong Quezon ang suspek na si Alyas Bagno.

Ayon kay PBGen. Dominic Baccay, regional director ng Calabarzon PNP, ang suspek ay natukoy na nagsusuplay ng mga hindi lisensyadong baril sa mga gun-for-hire group na nasa likod ng mga pagpatay sa Quezon at Batangas.

Malaki umano ang magiging epekto ng pagkakaaresto ng suspek sa operasyon ng gun-for-hire group.

“dahil yung mga miyembro ng gun-for-hire medyo wala na silang mapagkukunan ngayon ng kanilang gamit na baril” sabi ni Baccay.

“ang nakakahabahala dito yung isa diyan kasi long firearm kaya niya magdispose” sabi ni PCol. Vicente Cabatingan, chief ng Regional Intelligence Division ng Calabarzon PNP.

Nasamsam sa suspek ang isang M16 caliber 5.56mm na may scope, 2 long magazine para sa M16 ,1 short magazine para sa M16, 22 piraso ng bala para sa caliber 5.56 at isang traysikel.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 10591 o gun smuggler.

 

 

 

Kaugnay na Balita