Lumaktaw sa nilalaman
Lunes, 5 Oktubre 2026 5 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 0-7-0

Mabini Community Hospital gagawing Batangas Tourism Specialty Hospital

Kapag naisakatuparan, inaasahang magbibigay ang BTSH ng mas angkop at mas kumpletong serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng Mabini at iba pang bahagi ng Batangas, gayundin sa mga turistang bumibisita sa lugar.

Binisita ni Health Sec. Edwin Mercado ang Mabini Community Hospital para sa planong i-convert ito sa Batangas Tourism Specialty Hospital.HEALTH EDUCATION AND PROMOTION UNIT- DOH CHD CALABARZON
I-share

MABINI, Batangas — Gagawing Batangas Tourism Specialty Hospital (BTSH) ang Mabini Community Hospital upang tugunan ang pangangailangang medikal ng mga Batangueño at mga turistang dumadayo sa bayan, partikular sa mga sikat nitong diving destination.

Isinusulong ang pagpapalawak at pagsasaayos ng ospital, kabilang ang pagtatayo ng mga kinakailangang pasilidad, pagdaragdag ng kagamitang medikal at pagpapalakas ng bilang ng mga kawani upang matiyak ang maayos na operasyon nito.

Pinangunahan ni DOH Secretary Dr. Edwin M. Mercado ang pagpupulong kaugnay ng proyekto kasama sina DOH Calabarzon Regional Director Adriano Suba-an, Assistant Regional Director Rosa Maria Balisnomo-Rempillo, Batangas Medical Center Chief Dr. Maritess Teresita M. Torio at mga miyembro ng Technical Working Group ng BTSH.

Nagsagawa rin ang grupo ng inspeksyon sa kasalukuyang kondisyon ng Mabini Community Hospital upang matukoy ang mga kailangang ayusin, dagdagan at paglaanan ng pasilidad at kagamitan.

Kapag naisakatuparan, inaasahang magbibigay ang BTSH ng mas angkop at mas kumpletong serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng Mabini at iba pang bahagi ng Batangas, gayundin sa mga turistang bumibisita sa lugar.

Lalong mahalaga ang proyekto sa Mabini, na kilala bilang isa sa mga pangunahing destinasyon para sa diving sa Batangas, kung saan patuloy ang pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista.

Kaugnay na Balita