Lumaktaw sa nilalaman
Sabado, 10 Oktubre 2026 10 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 3-9-3

Ginang sa Lipa City nasawi sa pananaksak ng asawa na pinagsasaksak din ang sarili

Sinaksak ng mister ang kaniyang misis bago niya pinagsasaksak ang sarili.

Nasawi ang ginang at sugatan ang kaniyang mister na suspek sa krimenTBST News
I-share

BABALA: MASELAN ANG ISTORYA!

 

LIPA CITY, Batangas – Patay ang isang ginang matapos pagsasaksakin ng kaniyang asawa sa kanilang bahat sa Villa San Jose, Barangay Marawoy, Lipa City, Biyernes ng hapon.

Ayon sa report, bandang 1:45 ng hapon  nang maging ang anak ng biktima  na si CL na natutulog sa second floor ng bahay dahil sa malakas na ingay na nagmumula sa 1st floor ng bahay.

Nang bumaba si CL doon niya nakita ang kaniyang ina na nakahandusay sa comfort room at duguan.

Nakita rin niya ang kaniyang ama na may hawak na kutsilyo at sinasaksak ang sarili.

Mabilis na humingi ng tulong sa mga kapitbahay si CL at pagresponde ng mga barangay officials ay agad nilang inaresto ang kaniyang ama na itinuturing ngayong suspek.

Itinakbo pa ng mga rescue team mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office  sa Metro Lipa Medical Center ang mag-asawa pero binawian ng buhay ang ginang.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso at inaalam ang puno’t dulot ng insidente.

 

Kaugnay na Balita