Lumaktaw sa nilalaman
Lunes, 5 Oktubre 2026 5 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 7-5-0

Ama na nasawi sa jeep na tinangay ng baha sa Rosario, Batangas, nailigtas pa ang anak

Nailigtas muna umano ni Rene ang kaniyang  isang anak bago ito bumalik para tulungan ang kaniyang asawang si Maricel na hindi marunong lumangoy.

Bandang alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang katawan ni Rene sa pagitan ng malalaking bato, tinatayang 950 metro mula sa spillway.COAST GUARD SOUTHERN TAGALOG
I-share

ROSARIO, Batangas – Pilit na nagpapakatatag si Myka Lecitona sa pagkawala ng kaniyang mga magulang na kapwa nasawi matapos tangayin ng baha ang sinasakyan nilang jeep habang tumatawid sa spillway sa Paninsingin River sa Barangay Colongan, Rosario, Batangas noong Sabado ng hapon.

“Dalawa po silang nawala. Hindi po namin matanggap kasi si Papa po nagpapagamot nga sa high blood, tapos malulunod lang po. Sobrang hirap,” ani Myka.

Nailigtas muna umano ni Rene ang kaniyang  isang anak bago ito bumalik para tulungan ang kaniyang asawang si Maricel na hindi marunong lumangoy.

Pero kapwa na tinangay ng baha ang mag-asawa.

“Binalikan niya po si Mama kasi si Mama po hindi po siya marunong lumangoy,” dagdag niya.

Noong Lunes ng umaga, natagpuan ng search and rescue team ang katawan ni Rene, 44-anyos, na siyang may-ari ng jeep.

Ayon kay Paul Angelo de Castro, head ng Rosario MDRRMO, bandang alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang katawan ni Rene sa pagitan ng malalaking bato, tinatayang 950 metro mula sa spillway.

Natagpuan din noong Linggo  ang katawan ni Maricel, humigit-kumulang 1.2 kilometro mula sa spillway.

Tatlo pang sakay ng jeep ang nasugatan sa insidente, ngunit nakalabas na ng ospital.

Mula Taysan, Batangas ang jeep na pagmamay-ari ng mag-asawa at patungo sana sa isang poultry farm sa Barangay Colongan, Rosario, kasama ang 12 iba pa para kumuha ng mga manok nang tangayin sila ng baha.

Kaugnay na Balita