Lumaktaw sa nilalaman
Miyerkules, 30 Setyembre 2026 30 Set 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 7-1-9

78 anyos na negosyante binaril pa sa mukha matapos hablutin ng mga suspek ang suot niyang kwintas sa Sta. Teresita, Batangas

Hinablot na ang suot na kwintas, binaril pa ang biktima sa mukha.

Hinablot na ang suot na kwintas, binaril pa ang biktima sa mukha.COURTESY OF STA. TERESITA MUNICIPAL POLICE STATION
I-share

STA. TERESITA, Batangas — Binaril sa mukha ang isang 78-anyos na negosyante ilang sandali matapos hablutin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo ang suot niyang gold necklace sa Barangay Sinipian, Sta. Teresita, Batangas nitong Martes ng hapon.

Ayon kay Sta. Teresita Municipal Police Station chief PMaj. Charles Fulache, bandang alas-5:17 ng hapon nang mangyari ang insidente habang nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang bahay.

Batay sa salaysay ng isang saksi, dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo at nilapitan ang biktima. Hinablot umano ng mga ito ang suot nitong gold necklace bago siya binaril sa mukha.

Agad na isinugod ang biktima sa Taal Polymedic Hospital and Medical Center at kalaunan ay inilipat sa isang ospital sa Balayan para sa operasyon.

Patuloy ang pagsasagawa ng backtracking at forward-tracking operations ng mga awtoridad upang makakuha ng CCTV footage na maaaring makatulong sa pagkilala sa mga suspek.

Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa Land Transportation Office (LTO) para beripikahin ang plaka ng motorsiklong ginamit ng mga suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Kaugnay na Balita