Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 8 Oktubre 2026 8 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 5-9-5

130 motorsiklo, dagdag-puwersa sa mabilis na 911 response sa CALABARZON

Layunin ng mga bagong motorsiklo na palakasin ang mobility ng mga pulis at mapabilis ang pagresponde sa mga tawag sa 911, partikular sa mga emergency na nangangailangan ng agarang aksyon.

Itinurn-over sa Police Regional Office 4A ang 130 Unified 911 Emergency Response Motorcycles, sa pangunguna nina DILG Secretary Juanito Victor C. Remulla at CPNP PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr.PHILIPPINE NATIONAL POLICE
I-share

CALABARZON — May dagdag na sasakyan ang pulisya sa CALABARZON para mas mapabilis ang pagresponde sa mga emergency.

Itinurn-over sa Police Regional Office 4A ang 130 Unified 911 Emergency Response Motorcycles, sa pangunguna nina DILG Secretary Juanito Victor C. Remulla at CPNP PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Pinangunahan naman ni PBGEN Dominic L. Baccay ang pagtanggap ng mga motorsiklo para sa PRO-4A, kasama ang mga gobernador at alkalde mula sa Laguna at Batangas.

Layunin ng mga bagong motorsiklo na palakasin ang mobility ng mga pulis at mapabilis ang pagresponde sa mga tawag sa 911, partikular sa mga emergency na nangangailangan ng agarang aksyon.

Sa dagdag na mobility assets, mas mabilis na makakakilos ang mga police station at mas madali umanong makararating ang mga pulis sa lugar ng insidente upang makapagbigay ng agarang tulong.

Mensahe ng PNP: bawat pulis dapat mobile, alerto at handang rumesponde sa oras ng pangangailangan.

Bahagi ito ng pagpapalakas sa emergency response capability ng pulisya at paghahatid ng mas mabilis na serbisyo sa publiko.

Kaugnay na Balita