Lumaktaw sa nilalaman
Martes, 6 Oktubre 2026 6 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 3-7-2

₱180-₱192 per kilo, inirekomendang farmgate price ng buhay na baboy sa Oriental Mindoro

Batay sa pag-aaral, umaabot sa ₱14,027.93 kada ulo ang tinatayang gastos sa pagpapalaki ng isang baboy. Kabilang dito ang gastos sa biik, feeds, gamot, labor at iba pang pangangailangan.

₱180 hanggang ₱192 kada kilo ang inirekomendang presyo ng buhay na baboy sa Oriental Mindoro.PROVET
I-share

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Iminungkahi ang ₱180 hanggang ₱192 kada kilo bilang recommended farmgate price ng buhay na baboy sa Oriental Mindoro, ayon kay Gov. Humerlito “Bonz” Dolor.

Ayon kay Dolor, nakapaloob ito sa Executive Order No. 58, Series of 2026, na naglalayong magtakda ng inirerekomendang batayan sa presyo ng buhay na baboy o farmgate price, gayundin sa tingiang presyo ng karne ng baboy.

Bago itinakda ang rekomendasyon, nagsagawa ng price at cost monitoring ang Provincial Veterinarian’s Office (ProVet) kasama ang Department of Agriculture, Bureau of Animal Industry, Department of Trade and Industry, Philippine Statistics Authority, National Meat Inspection Service, at mga municipal at city agricultural at veterinary office.

Nagkaroon din ng konsultasyon noong Setyembre 1 at 25 kasama ang mga nag-aalaga ng baboy, trader o biyahero, nagtitinda at mga mamimili.

Batay sa pag-aaral, umaabot sa ₱14,027.93 kada ulo ang tinatayang gastos sa pagpapalaki ng isang baboy. Kabilang dito ang gastos sa biik, feeds, gamot, labor at iba pang pangangailangan.

Ginamit din sa pagkukuwenta ang tinatayang ₱135 kada kilo na landed price ng buhay na baboy, batay sa isang baboy na may timbang na nasa 90 kilo.

Mula sa mga datos at resulta ng konsultasyon, inirekomenda ang ₱180 hanggang ₱192 kada kilo bilang batayang presyo ng buhay na baboy sa lalawigan.

Nilinaw naman ni Dolor na hindi sapilitang presyo ang naturang halaga. Hindi rin ito itinakdang profit margin o floor price.

Maaari pa ring magkasundo ang nag-aalaga, trader at buyer sa ibang presyo, depende sa aktuwal na kondisyon ng kanilang transaksiyon at sa sitwasyon ng merkado.

Kaugnay na Balita